Sunday, February 13, 2011

Percy Jackson and the Olympians: The Lightning Thief


Pamagat: Percy Jackson and The Olympian: The Lightning Thief
Tagpo: Hollywood, Las Vegas, Nashville,
Genre:Mythical
Mga Pangunahing Tauhan:
   Logan Lerman bilang Percy Jackson, anak ni Poseidon
   Alexandra Daddario bilang Annabeth Chase, anak ni Athena
   Brandon T. Jackson bilang Grover Underwood, matalik na kaibigan ni Percy
   Jake Abel bilang Luke Castellan, anak ni Hermes
Mga Diyos:
   Sean Bean bilang Zeus, Diyos ng kalangitan at Hari ng mga Diyos, asawa ni Hera, kapatid ni Poseidon at ama ni Persephone
   Kevin Mckidd bilang Poseidon, kapatid ni Zeus at Hades, Diyos ng Karagatan at ama ni Percy
   Steve Coogan bilang Hades,Diyos ng mga Patay at kailaliman, asawa ni Persephone
   Melina Kanakaredes Bilang Athena, Diyosa ng Karunungan at Digmaan
   Dylan Neal bilang Hermes, mensahero ng mga Diyos
   Rosario Dawson bilang Persephone, Diyosa ng tagsibol, anak ni Zeus at Demeter
   Erica cerra bilang Hera, Diyosa ng pagpapamilya at pag-aasawa
   Stefanie Von Pfetter bilang Demeter, diyosa ng agrikultura
   Ona Grauer bilang Artemis, Diyosa ng buwan at pangangaso
   Serinda swan bilang Aphrodite, Diyosa ng Kagandahan
   Marielle Jaffe bilang maliit na Aphrodite
   Conrad Coates bilang Hephaestus
   Kay Winstone bilang Ares, Diyos ng digmaan at iniibig ni AphroditeMythical Creatures:
  Uma Thurman bilang Medusa
  Pierce Brosman bilang Chiron
  Maria Olsen bilang Mrs. Dodds,tagapagsilbi ni Hades
  Julian Richings bilang Charon
  Chelann Simmons bilang lotus-eater
Mga Mortal:
  Catherine Keener bilang Sally Jackson, ina ni Percy
  Joe Pantoliano bilang Gabe Ugliano, pangalawang ama ni Percy

Buod:
     Sa tuktok ng Empire State Building,sinabi ni Zeus sa kanyang kapatid na si Poseidon na ninakaw ang “lightning bolt”. Pinagbintangan niya ang anak nito na siyang nagnakaw kaya pinagtanggol naman ito ni Poseidon, sinabi ni Zeus na dapat ibalik ang ninakaw sa loob na labing-apat na araw kung hindi ay magkakaroon ng digmaan sa pagitan ng mga Olympian.Natuklasan ng labimpitong taong gulang na si Percy Jackson na nakatatagal siya ng pitong minuto sa ilalim ng tubig, kaya nagtataka siya sa kanyang sarili. Nalaman niyang tinatratong tagapagsilbi ang kanyang ina na si Sally Jackson ng kanyang pangalawang ama na si Gabe Ugliano.Sumama si Percy sa isang paglalakbay-aral tungkol sa sining ng mga Griyego at Romano, kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Grover Underwood. Sa paglalakbay-aral,inilayo siya ng isang Fury mula sa kanyang mga kasama na nagkunwaring guro niya sa Ingles, inatake siya nito at tinanong tungkol sa nawawalang “lightning bolt”. Pinagtanggol siya ni G. Brunner(guro sa Latin) mula sa Fury. Pagkatapos matalo ang Fury, binigyan siya nito ng panulat tinagubilinan siya nitong gagamitin lamang iyon kung kinakailangan. Si Groverat Percy ay nagtungo sa kanilang apartment para ipaalam sa kanyang ina ang sitwasyon ni Percy. Matapos niyang insultuhin si gabe ay nagtangka itong gumanti sa kanya ngunit naunahan ito ni Grover.
     Sa utos ni Brunner, isinama ni Grover si Percy sa kampo ng half-blood kung saan nag-eensayo ang mga demigods, kasama rin nila pagpunta doon ang ina ni Percy. Nahirapang makapasok sa loob si Sally dahil isa siyang mortal na tao. Nahuli siya ng Minotaur na umatake sa kanila at naging bato siya sa harap ng kanyang anak. Nakipaglaban si Percy sa Minotaur gamit ang panulat na nagging espada. Nasabit ang sungay ng Minotaur sa puno kaya napatay siya ni Percy. Nagising si Percy sa isang pagamutan at nalaman niya kay Grover na siya ay walang malay sa loob ng tatlong araw. Naisip niyang ito’y isang panaginip lamang ngunit naag Makita niya ang binti ni Grover ay nalaman niyang iyon ay katotohanan at hindi isang panaginip lamang. Habang siya ay nasa kampo ng half-blood, nalaman niyang si Brunner ay isang Centaur at tagapag-ensayo sa kampo. Nalaman din niyang si Poseidon ang kanyang ama. Nagkita sila roon ni Luke Castellan at Annabeth Chase. Habang nasa kampo, natutunan niya mula sa boses ni Poseidon na ang tubig ay makapagpapagaling ng kanyang mga sugat.
      Nagpakita si Hades at sinabing si Sally ay bilanggo niya at nag-alok na ipagpapalit niya ito sa “lightning bolt”. Sinabihan ni Chiron si Percy na huwag magtiwala kundi ay magpunta sa Olympus at kumbinsihin si Zeus na inosente siya sa nangyari. Kasama si Grover at Annabeth umalis si Percy sa kampo upang maglakbay patungong kailaliman. Binigyan sila ni Luke ng kalasag. Lumilipad na sapatos at mapa u[ang makuha ang perlas ni Persephone na makakatulong sa kanila upang makalabas sa kailiman.
Ang unang perlas ay makikita sa Auntie Em’s Garden Emporium, ang lumang tindahan ng mga estatwa sa Leeds Point, New Jersey. Dito matatagpuan ang tahanan ni Medusa. Inatake niya ang tatlo pero nalinlang siya ng mga ito at nakuha nila ang perlas mula sa kanyang pulseras. Dinala rin nila ang ulo nito, na ginamit nila upang matalo ang hydra na sumalakay sa kanilang pagkuha ng ikalawang perlas mula sa estatwa ni Athena. Ang pangatlo at huling perlas ay nakuha nila sa roleta na nasa Lotus Hotel at Casino sa Las Vegas,na pinananahanan din ng Lotus-eaters.Habang naroroon hinikayat sila ng empleyado ng casino na kumain ng bulaklak ng lotus upang hindi sila makaalis sa lugar na iyon. Sa kabutihang palad, nabigyan agad ng ng babala ng boses ni Poseidon si Percy na huwag kakain ng mga bulaklak. Kaya ginising niya ang dalawa at tumakas sila dala ang perlas mula sa casino. Natanto nila na limang araw na sila sa casino at isang araw na lang ang natitira upang makuha ang “lightning bolt”. Itinuro sa kanila ng mapa ang daan patungo sa kailaliman na nasa Hollywood.
      Pumunta ang tatlo sa kailaliman at nakita nila doon si Persephone na nagkaroon ng pagtingin kay Grover. Sinubukan ni Percy na magpaliwanag kay Hades na hindi siya ang nagnakaw ng “lightning bolt”. Mula sa alikabok ay pinalitaw ni Hades ang kanyang ina. Ibinagsak niya ang kalasag na ibinigay ni Luke at lumabas doon ang “lightning bolt, sa gayo’y natuklasan nila ang katotohanan na sila ay ipinahamak nito. Kinumpronta sila ni Hades, tinulungan sila ni Persephone na makaalis sa luigar na iyon. Ibinunyag nito na kung papatayin ni Hades ang lahat ng Diyos, maiiwan siyang nag-iisa na kasama nito, na ayaw naman niyang mangyari. Ginamit nina Percy, Sally at Annabeth ang perlas upang makapunta sa bulwagan ng Olympus. Naiwan si Grover sa kailaliman. Lumitaw sila sa tuktok ng Empire State Building at sinalubong sila roon ni Luke na nagsabing siya ang tunay na nagnakaw ng “lightning bolt”. Ginawa niya iyon dahil gusto niyang siya ang mamahala ng Olympus at sinabing hindi na dapat sila nakalabas pa sa kailaliman. Naglaban sina Percy at Luke, nagtagumpay si Percy dahil na rin sa kakayahan niyang magmanipula ng tubig. Bumalik siya sa tuktok ng gusali at sumakay silang tatlo sa isang lihim na elevator patungong Olympus. Doon, ibinalik niya kay Zeus ang nawawalang “lightning bolt” at ibinunyag ang katotohanan tungkol kayLuke. Humingi siya ng tulong sa mga Diyos upang makabalik si Grover mula sa kailaliman at tinulungan naman siya ng mga ito. Bumalik siya sa kampo ng half-blood, kung saan ipinagpatuloy niya ang pag-eensayo.
     Hiniwalayan ni Sally si Gabe. Sa kagustuhan nitong uminom, binuksan nito angb ref at hindi pinansin ang sulat ni Percy na huwag bubuksan ito anuman ang mangyari. Nakita niya roon ang ulo ni Medusa at siya ay naging bato.

No comments:

Post a Comment