![]() |
Larawan ko noona ako'y isang taong gulang |
Ako si Maria Loida M. Canada. Ang aking mga magulang ay sina Gng. Delia Canada at G. Isidro Canada. Kami ay pitong magkakapatid, tatlong lalaki at apat na babae.
![]() |
Larawan ko kasama ang aking ama noong ako ay nagtapos ng elementarya |
Nagbakasyon kami ng aking ina sa isa kong kapatid sa Laguna pagkatapos ng graduation. Habang kami ay nagbabakasyon ay inalok ako ng aking kapatid na dito na lang mag-aral ng sekundarya. Pinamili ako ng aking ina kung saan ko gusting mag-aral. Mas pinili ko na dito na lang mag-aral dahil gusto ko ng bagong environment. Kahit kapalit noon ay ang pagkakawalay kong muli sa kanya. Nakadama ako ng kalungkutan ng siya ay bumalik na sa aming bayan. Naisip ko rin ang aking kaibigan, hindi na kami magkasama ngayong sekundarya. Natapos ang bakasyon at dumating ang pasukan.
Ipina-enroll ako ng aking kapatid sa paaralan ng Dizon. Noong una ay namangha ako sa paaralan dahil sa laki nito. Tila ba ako’y maliligaw kapag ako’y nag-iisa na lamang. Napabilang ako sa pangkat A, kakatwa nga dahil ako lang ang nag-iisang nakauniporme sa unang araw sa aming klase. Kumuha ako ng examination upang mapabilang sa science. Kasama ako sa mga nakapasa kaya ako ay naging science. Noong una ay nahirapan akong mag-adjust dahil wala akong kahit isang kakilala sa klaseng iyon. Medyo natakot din ako dahil mukhang matatalino silang lahat. Sa ikalawang markahan ay nagkaroon ako ng karangalan kaya masayang-masaya ako. Unti-unti ko ring nakilala ang aking mga kaklase, mababait naman pala sila. Natapos ang iasang taon at akoay hindi natanggal sa science. Napabilang rin ako sa mga estudyanteng may karangalan.
Nagbakasyon ako sa aking isa pang kapatid sa Angono. Inalok niya akong doon na lang mag-aral ng ikalawang antas. Tinanggihan ko siya kasi mas gusto ko sa Laguna. Ayaw ko na rin ng panibagong pakikipagsapalaran. Dumating na naman ang pasukan ako na ang nagpaenroll sa aking sarili. Sa unang araw ay nakakakaba dahil mukhang istrikta ang mga guro pero habang tumatagal ay makikilala mong mababait naman sila. Nabawasan ng dalawa ang aming pangkat dahil lumipat ng paaralan. Inilaban an gaming pangkat ng sabayang pagbigkas sa labas ng paaralan. Nanalo ang aming grupo ng ikalawang pwesto kaya masayang-masaya kaming lahat. Wala na kaming klase sa hapon pagkatapos niyon. Muli kaming nilaban ng sabayang pagbigkas ngunit natalo kami, nakakalungkot pero dapat naming tanggapin na sa bawat kumpetisyon ay mayroon talagang natatalo.
Bahagi na ng ikalawang antas ang Florante at Laura. Tuwing hapon ay nagpapraktis kami kaya lagi akong napapagalitan dahil ginagabi sa pag-uwi. Sa araw ng laban ay nakakuha kami ng ikalawang pwesto at nakuha ng pangkat A ang unang pwesto. Tanggap naman naming ang aming pagkatalo. Nakakuha ako ng karangalan sa una at ikatlong markahan. Napabilang rin ako sa nagkamit ng karangalan sa pagtatapos ng taon.
![]() |
Larawan ko noong JS Prom |
Ginanap ang paggagawad ng karangalan para sa mga estudyante na nagkamit ng karangalan para sa ikalawa at ikatlong markahan at napabilang ako sa kanila kaya medyo nabawasan ang aking pag-aalala na matatanggal ako sa science. Pero hindi pa sapat iyon kaya heto pa rin ako at patuloy na nagsisikap para sa aking marka at magandang kinabukasan.
No comments:
Post a Comment